Ulan,
Bakit pati sa mata
Ko ika’y nanahan?
Maaari bang sa tagpong
Ito’y pahiram ng iyong lakas
Upang mahawi ko ang
Kulimlim ng kanyang mukha
Ulan,
Sino bang nawala
At hindi mo magawang
Patigilin ang iyong luha?
Ulan,
Ikaw nga ba ay
May sumpa
Bakit pati ang kaluluwa’y
Iyong dinadala?
Ulan,
Naririnig mo ba ang
aking pagsuyo?
Maaari bang sumama
Sa muli mong pagsibol?
At baka sakali…
Sa dulo ng bahaghari’y
Makita ko siyang
Naghihintay sa aking
Pagsilong.
No comments:
Post a Comment