Saturday, 13 October 2018

Si Playboy at Si Tomboy





 



Playboy: Mahal ko ang mga babae….           

Mula sa maganda, seksi, payat, kulot, mestisa, morena, matrona, may-asawa? Nagbibiro lamang ako sa panghuli pero kung may pagkakataon gusto ko sanang subukan. Sa sobrang pagmamahal ko nga sa kanila, pilit ko silang pinagkakasya sa maliit kong puso. Wala eh, masisisi mo ba ang mukhang to? Pero kapag sumuko na sila sa laro ko, hinahayaan ko lang silang kumawala. Marami namang pumipila sa puwang na kanilang iniwan




Tomboy: Mahal ko ang mga babae….           

        Kahit na hindi dapat. Iniisip kong hindi yun masama kasi hindi ko naman sila sinasaktan. Binibigay ko ang lahat kahit na kadalasan ay wala akong natatanggap. Oo, alam ko na yan.

Mahirap mahalin ang tulad ko.




Playboy:  Masaya ako sa mundong ito. Tumitikim ng iba't-ibang putahe. Pero, nakakasawa na ang ganitong buhay. Hayyy,,,kaylan ko kaya mahahanap ang hahanap-hanapin ko? Hoy, ano ba to… lalaki o babae?  



Tomboy: Pre, parang nakakainsulto ka ah.
 Naliliitan ka ba sa akin? Lalaki ako… lalaki! Wag kang tumingin ng ganyan, parehas tayo ng target.



Playboy: Ano ka, hilo? Tignan mo nga yang sarili mo. Walang magkakainteres sayo.
 Takot ang mga lalaking lapitan ka baka mapagkamalan silang unggoy sa kagwapohan mo.


Tomboy: Sabay kaming tumawa kahit hindi nag-uusap.
First time kong marinig ang papuring iyon, mula sa isang tunay na lalake.



Playboy: Simula na yun ng aming magandang samahan. Tapikan mula sa pang-aagaw ng bola, pagkindat para mang-akit, panghuhula ng vital statistics ng mga babae at pagbilang kung hanggang ilang kembot ang matatanaw ng aming mga makasalanang mata. Pero sa lahat ng yun, ang pagdodota ang gusto ko. Natawa ako, hindi dahil sa natatalo niya ako kungdi sa katotohanang babae pa rin pala siya. Mantakin mo sa dinami-dami ng mga hero, sa kababaihan pa rin siya kampi. Traxex, Lina, Enchantress at lalo na si Mirana.


Tomboy: Weak!
Malakas lang pala siya sa mga babae pero kung sa dota, wala siyang panama sa akin. Mula ng siya ang maging kalaban ko sa basketball, hindi ko alam pero.. parang lagi na lang akong natatalo. Pinipilit kong hindi pansinin ang kamay niyang dumadampi sa aking kamay habang inaagaw ang bola mula sa akin o pagharang ng kanyang katawan upang hindi ako makaiskor. Naiinis ako dahil hindi ko dapat maramdaman ang pagkailang na lumalabas lamang kapag kasama ko siya.



 Playboy: Walang maarte, walang nagpapakipot. Sa kanya , natural ang lahat. Taglay niya ang mga katangiang hindi mo makikita sa normal na babae. Siguro yon din ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi ko pa ring magawang umalis sa kanyang tabi. Hay, kailangan ko na palang magmadali, hindi ko na mahintay ang pang-aasar ko sa kanya ngayong gabi ng JS Prom.



Tomboy: Babae pa rin pala ako, noh?

 Nakakapagtakang ngayon ko lang nalaman iyon.

No comments:

Post a Comment