Saturday, 13 October 2018

Kapag ang Bolpen ay Nagtanong





Ikaw ang pinili
Ako ang pinulot
Ikaw ang laging dala
Ako ang binabalewala
Ikaw ang nilalabas
Ako ang tinatago
Ikaw ang mahal
Ako ang mura
Ikaw si Pilot
Ako si Panda
Tanong ko lang naman sayo,
Ikaw nga ba'y hindi ako?
Tayo nga ba'y naiiba

Kung pareho tayong may tinta?

No comments:

Post a Comment