Paano nga ba nagsimula
Ang pagmamahalan nitong dalawa.
Wala atang nakakaalam; kahit
Ang kasaysayan ay walang tala.
Maaaring isa lamang ang nagmamahal.
Maaaring sila rin namang dalawa.
Ngunit para saan ang pagmamahal
Kungdi naman kayo magtatagal.
Sa una'y parang komedya
Lahat ay parang kakatwa
Pag kumurap ang kanyang mata
Asahan mong mawawala kanyang sinta.
Ang kanya nga bang inibig ay misteryo
O sadyang pag-isip niya'y malabo?
Ngunit wala pa ring tatalo
Sa pag-ibig niyang totoo.
Kaya't kahit napapagod
Tuloy pa rin ang pagtakbo.
Baka bukas biglang maiba
At ang mundo'y magpahinga.
Sa buhay mayroon ngang pagkakataon
Na ang paghabol ay hindi opsyon
Upang ipagpatuloy ang ang pagsuyo
Kung nilamon na ito ng pagkahapo.
Siguro, siya na lang ang uupo
Habang ang kanyang sinta'y nasa malayo
At papangarapin ang naunsyaming paghalik
Nitong kanyang sintang minsan lang bumalik.
Kung trahedya man ngayon ang kanyang kwento.
Balang araw ito'y magbabago
Si Kopong- Kopong biglang aahon
At babalikan na rin ni Panahon.

Halaw ang ambahan mula sa Kikomachinekomix.-_-
Hindi ko na matandaan
kung pang-ilang libro ng Kikomachine nakapaloob ang kwentong yan. Natuwa lang
kasi ako doon sa kwento o hinuha ng awtor kung maaari kayang may relasyon si
Kopong-kopong at si Panahon. Kasi laging nakakabit si Kopong-kopong kay Panahon
pag sinasabi natin yung pariralang "Panahon pa ni
Kopong-Kopong".Masyadong misteryosa ang pariralang para sa iba ay pamalit
lamang sa mga salitang nalimutan na kung kailan ginamit o ginawa. Para sa akin
kung magkakaroon nga sila ng lablayf, nakakalungkot dahil si Kopong-Kopong ay
maghihintay ng matagal na panahon upang sila ay muling magkita ni Panahon. Ni
hindi man lang niya nayakap, nahagkan at nakausap ang kanyang iniirog. Parang
tayo, lalong lalo na iyong mga taong palaging naghihintay sa kanilang
minamahal. Yung mga NBSB (ehemm, medyo tinamaan ako dyan ah, hehe..) Walang
kasiguraduhan kung dadating ba ang iyong minamahal. Paano kung along the way eh
nasagasaan pala siya, kaya't
mapo-postpone ang inyong pagkikita. O maaari ring naman na nasagaan siya,
nabagok ang ulo, nakalimot at may isang atribidang magsasabi na "ako ang
iyong tadhana", dahil lito pa nga siya,
mabilis niyang tatanggapin ang kasinungalingan na iyo at sa kasamaang-palad,
hindi ka pa nga niya nakikita eh, nakalimutan ka na niya. Siguro, kahit hindi
halata at kahit hindi pansin, maaaring ito rin ang dahilan kung bakit maraming
ato ang tumatanda na lang ng mag-isa. Maaaring namatay, naligaw, natakot o
tinamad lang ang kanilang mapapangasawa. Hay, kalungkot...
anyways, isa tong tula pero kung gusto niyo ang ispesipiko,
Ambahan ang tawag dito. Yun lang.. Till next time.
P.S. kailan ko ba ito nagawa? Panahaon pa ata ni
Kopong-kopong, eh.. hehehe
No comments:
Post a Comment