Saturday, 13 October 2018

Ligaw na Bala






Hanap ka ng matang malayo ang tingin
Pigurang inukit, animo’y salamin
Sabik na masilip, sandaling simulan
Ngunit anino lang aking nasilayan.

Muntik ng tumalon, nang ika’y lumingon
Kayhirap tanggapin, pag-asang bumangon
Saglit na napukaw sa kurbang iniwan.
Pangako ng saya sa kanya lang laan.

Pag ika’y lumapit, sadyang lumalayo
Takot matuklasan maingay na puso.
Kaylan madadama ng di sinasabi?
Tindi ng pag-ibig, lumukob sa labi.

Isa kang bangugot, kayhirap lisanin
Lungkot ng luha gusto ng pawiin
Hihintayin na lang, mata ang bumigay
Sa panaginip, kamay mo ang gabay.

Ika’y baling-ligaw, kayhirap supilin
Tagos hanggang laman kahit di sa akin
Anurin ang dugo mula sa pusong lagas
Kasalanan ko ba, kung ikaw ang lunas?





Ito yung panahon na wala akong magawa at bigla ko na lang naalala yung crush ko noong hayskul.. Sa kasamaang palad, hindi naman niya nalaman ang aking pagtangi. Ganun talaga ako pag nagkakaroon ng crush, hangga't maitatago, magtatago.Kaya sa lahat ng mga taong nagmamahal sa mga sulok at mga gilid ng Pilipinas, hangga't maaga at sariwa pa ang pakiramdam sabihin niyo na para mabuhay ito at hindi malanta ng katulad sa akin.. Yun lang....

No comments:

Post a Comment