Thursday, 8 November 2018

Nasaktan ako.
Hindi ka na ngumingiti sa akin.
Kasalanan ko rin naman. Hindi ko man lang ginantihan ang pahagip mong ngiti.
At kapag nagkakatinginan tayong dalawa,
magbaba tayo ng tingin hanggang sa makalayo sa isat isa.
Masakit.
Pero hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo?
Nasasaktan ka rin bang tulad ko?
Ayokong ang batian lang natin sa umaga at gabi ay ang pagbaba ng tingin hanggang sa makalayo sa isat isa.

Sinubok kong lumingon muli sayo pero binigo na naman ako ng iyong likod na papalayo. Hindi ka tumingin sa akin.

No comments:

Post a Comment