Hindi ako makapagsulat ng mga dapat isulat.
Ikaw lang ang naiisip ko.
Gusto ko na ayokong tumigil.
Minsan iniisip ko na sana hindi na lang nangyari ang munti nating titigan.
Naiisip mo pa rin kaya iyon?
O baka ako lamang ang nag iisip na espesyal ang tagpong iyon.
Ayokong ipilit ang pagkakataon.
Pero may munti akong hiling, sana sana ako ang mag abot ng dapat na iabot sayo. sana talaga.
Sana isipin mo pa rin ako.
Sana. Sana.
No comments:
Post a Comment