Tuesday, 11 December 2018

Gusto ko nang kalimutan ka.
Tulungan mo ko.
Pero muli, may pag asang kalakip ang bawat hapon na sana, na sana makita kita.
Nagpapaganda pa rin ako, umaaasang mapansin mo rin ako.
Pero hindi na tayo binibigyan ng pagkakataon na magkita muli
at muli, napabilang ka na naman sa mga lalaking dumaan at aalis din sa buhay ko.
Sayang. Hindi man lang tayo nagkausap.
Pero may piping hiling ako, sana magkausap muli tayo bago ka umalis. Sana. Sana po. 

Monday, 10 December 2018

Nagkausap tayo pero hindi sa personal.
Hindi ko alam kung sapat to o hindi. Aalis ka na pala. Mabuti na lamang at nalaman ko iyon.

Bago matapos ang taong ito, nadama ko na naman ang sakit. Sakit sa papausbong na pag ibig. at muli, papatawan ko na naman ito ng mga bagay na dapat kong pagkaabalahan. Masakit ang prosesong ito pero ito lamang ang alam kong magagawa ko.

 Para hindi ka isipin. Para hindi ko isipin ang nakaraan at maaaring hinaharap sa piling mo.

Pero gusto kong magtanong, kung hindi ko kaya sinabi ang totoo, magpapatuloy pa rin kaya ang usapan natin. Sasagutin mo pa rin kaya ang mga tanong ko, tatanungin mo rin kaya ako?

Marami pa rin pala akong tanong. Bakit kailangan kong panghawakan ang titigan nating dalawa at bigyan yun ng kahulugan? Bakit? Bakit dito ako kumakapit?

Nakalimutan mo na ata. O hindi mo lang binigyan ng kahulugan ang titigang iyon. Ako lamang.

Matagal tong aalis sa sistema ko. at panaka panakang bibisita ito sa mga panahong mapapadaan ako sa pizza hut sa farmers plaza o kapag mababasa ko ang mga salitang "coincidence" o "serendipity". Pero ito lamang ang gusto kong malaman mo, masaya akong ikaw ang naging kabahagi ko sa saglit na titigang iyon.